Talaga namang sakit ng
ulo ng mga breeder ang magnanakaw ng manok. Maraming beses na tayong
nakabalita na nanakawan si ganito o si ganyan. O baka ikaw pa mismo ang
nakaranas nang ganitong napakasamang gawain. Biruin mo, pinaghirapan mong
pakainin at palakihin ang iyong alaga tapos nanakawin lang ng kung sino.
Kapag tatanungin ang
ating mga kasabong kung ano ang gagawin nila kapag nakahuli ng magnanakaw ng
manok, siguradong mga brutal na salita ang mamumutawi sa kanilang mga bibig. ‘Di sila
kuntento na basta na lang ikulong ang ganitong klase ng mga tao. Dapat diumano
ay bigyan sila ng malupit na leksyon para matuto. Gaya nang ginawa sa isang
magnanakaw ng manok dati na nag-viral pa sa Facebook dahil itinali ito sa
poste. Katakut-takot na kahihiyan tuloy ang inabot nito.
Mayroon din namang mga nagsasabi na burahin na
lang sa mundo ang nahuling magnanakaw ng manok. ‘Di naman natin sila puwedeng
sisihin dahil sa tindi ng kanilang galit sa mga taong ganito ang gawain. Pero nangyayari
talaga ito sa totoong buhay. May mga narinig na kami nang makahuli sila ng magnanakaw ng manok ay iniligpit nila. Huwag
nating gagayahin at madudungisan lang ang ating mga kamay. Baka
makulong pa o kaya naman ay gantihan ng mga kaanak ng mga magnanakaw ng
manok. Kapag nakahuli ay mabuti pang dalhin na lang sa presinto.
Ang masakit
nga lang ay kapag inside job ang nangyari. Dahil pagkatapos mong magtiwala sa
isang tauhan ay makikipagsabuwatan lang sa iba para kunin ang iyong mga manok. Kaya mag-ingat sa mga nag-aapply na tauhan sa farm kung 'di naman sila lubos na kakilala.Mas maganda kung rekomendado sila ng ating mga kaibigan o kamag-anak para ma-background check.
Alam kasi ng mga
magnanakaw na may value ang manok-panabong kaya nila ito pinag-iinteresan. Ang
iba mistula ng sindikato dahil ‘di lang paisa-isa ang kinukuha kundi maramihan
na. Aba’y kulang na lang ay pakyawin na ang mga manok sa farm. Malamang ibinibenta
nila ang mga ito para magkapera. Kung hindi naman ay mahilig din sila sa manok.
Mayroon nga naman sila agad panlaban o ‘di-kaya’y materyales. Inangkupo, mamalasin
lang sila sa gawain nilang ito. Lalo na sa panahon ngayon na sinasabing digital
na ang karma. 'Yun nga lang minsan,nagiging dahilan ito ng pagkadismaya sa side ng may-ari. Mayroon kasing mga tumitigil nang magmanok matapos manakawan ng maraming manok.
Hindi man natin
mapipigil ang mga magnanakaw dahil ‘di naman natin hawak ang kanilang isipan.
Puwede naman natin silang mapigilan sa pamamagitan nang mahigpit na pagbabantay. Kinakailangan
na ang guwardiya ay ‘di tutulug-tulog lalo na't may mga nagsasabi na ang ibang mga magnanakaw ay armado pa ng baril. Maganda na matibay
at mataas ang bakod para ‘di basta maakyat o malusutan ng magnanakaw. Maglagay din ng
maraming aso para kapag may pumasok ang magnanakaw ay mabubulabog ang mga ito. Ang iba naman, ang ginagawa nila ay nakikipagkaibigan sila sa mga
tao na nakatira malapit sa kanilang mga farm. Sinasabi pa nila na kapag gusto
nila ng manok ay huwag mahiyang magsabi. Dahil dito ay ‘di sila nakararanas ng
nakawan ng manok sa farm. Sila pa nga ang nagsusumbong sa may-ari kapag may
nakita silang dayo na kahina-hinala ang kilos.
May mensahe ang
kasabong natin na si David Santos ng Antipolo City sa mga magnanakaw ng manok. Minsan na rin siyang nanakawan sa munti niyang manukan. Pakinggan natin siya: