Sina Tanya, RiszQi at Bong habang nakasakay sa kotse |
Marahil ay kilala na
ninyo sina Tanya Nacion at RitszQi. Sila ang magkasintahan na nag-viral ang
video na may pamagat na “Pag-ibig Dahil sa Manok” na nakapaskil sa Facebook
page na Sabong Ngayon. Nakakuha na ito nang mahigit 400 thousands views. Si RitszQi
ay isang Indonesian breeder na na-inlove sa isang Pinay, sa katauhan ng model
at breeder na si Tanya.
Halik ng pag-ibig na dahil sa manok |
Kamakailan ay
nagbakasyon dito si RitszQi nang halos isang buwan. Tatlong araw din ang
inilagi nila sa Iloilo para bisitahin ang sikat na breeder na si Bong Colada.
Si Bong ay minsan nang nagkampeon sa International Candelaria Derby. Sumikat
siya dahil sa kanyang mga bloodline na Mel Sims Black at 5k Sweater. Bukod dito
ay ipinagmamalaki rin niya ang kanyang Grey na galing kay Dink Fair at Yellow
Legged Hatch.
East Vale Gamefarm |
Sina Tanya habang nasa Alexandra Gamefarm |
Ayon kay Tanya ay napakalawak
at napakalinis ng farm ni Bong. Dalawa diumano ang farm nito, ang isa (EastVale
Gamefarm) ay nasa kabundukan at matatagpuan sa bayan ng Janiuay. May sukat ito
na 2-3 hectares. Meron din siyang
farm sa kapatagan (Alexandra Gamefarm) na
matatagpuan sa bayan Guimbal. May sukat naman ito na 7.6 hectares. Nagsisilbi
itong cording area at show room para mas madaling puntahan ng mga buyer.
Si RitszQi habang pinapakinggang mabuti ang mga tips sa pagmamanok ni Bong |
Sa obserbasyon ni Tanya
ay dedicated talagang breeder si Bong. Tutok na tutok kasi ito sa pagmamanok.
Nakita pa niya na nagpupungos ito ng mga manok. Mahusay din itong pumili ng
manok, mapa-materyales man o pang-laban. “Kung
hindi ako nagkakamali, kumukuha sa kanya ng manok ang ilang malalaking breeder
kasama na rito si Lancey Dela Torre,” sabi ni Tanya.
Bago maging
magkasintahan sina Tanya at RitszQi ay naging magkaibigan muna sa Facebook si
RitszQui at si Bong. Naging idol ni kasi ni RitszQi si Bong dahil nagagalingan
siya sa manok nito. Nag-i-import siya ng manok nito. Kapag nalaman diumano sa
Indonesia na ang manok ni RitszQi ay galing kay Bong Colada siguradong
maibebenta agad ito. Ilan lang sa nakuha niyang mga manok galing kay Bong ay
ang Mel Sims Black, 5k Sweater at Yellow Legged Hatch.
Ayon kay Tanya, “Si Sir
Bong ay very low profile na tao. Very approachable siya at napakamasiyahin at
palabiro”. Noong andun sila ay talagang inasikaso sila nang husto mula pagkain
hanggang sa kanilang matutuluyan ay sinagot nito. Para nga raw nila itong ‘Big Bro’ sa kanila. Ito
pa lang ang unang pagkakataon na makaharap nila si Bong, pero parang matagal na
silang magkakilala nang personal. Marami diumanong naibahagi sa kanila si Bong,
hindi lang sa pagmamanok kundi pati na rin sa buhay-buhay. Nakilala rin nila
ang kapatid ni Bong ni Atty. Lex Colada na mabait din.
Si RitszQi habang sinisipat ang manok ni Bong |
Si Tanya na nagsi-selfie habang nag-uusap sina RitszQui at Bong |
Sa pagmamanok, ilan
lang sa naibahagi ni Bong ay kung anu-anong bloodlines ang magandang i-cross. Isa
sa tumatak kay RitszQi sa mga sinabi ni Bong ay “Select the rooster who can cut
accurately to opponent”.
Sina Tanya kasama si Domingo Baltazar na farm boy ni Bong |
Pinayuhan pa sina Tanya
at Ritzqui ni Bong na magpakasal na agad sila para magkasama na sila sa pagninegosyo
ng manok. Nakikita raw kasi ni Bong na magaling mag-market si Tanya habang si
RitszQi naman ay nagbi-breed na at mahusay sa sales. Dapat nilang samantalahin
habang mainit pa sa Bali, Indonesia ang mga manok na galing sa Pilipinas.
Kung may pagkakataon ay
dadalaw muli sina Tanya at RitszQi sa farm ni Bong Collada. Alam nilang ‘di
rito nagtatapos ang kanilang ugnayan o
pagkikipagkaibigansa kanilang Big Bro.