Saturday, July 6, 2019

KAAGPAS: Kaagapay sa Pagbabakuna ng Manok Mo


Napakahalaga nang pagbabakuna dahil nagsisilbi itong proteksyon laban sa sakit. Kaya’t dapat lamang na pabakunahan natin ang ating alagang mga sisiw. Kung nais makatipid, maaaring pumunta sa bakuna center. Kung malapit lang naman sa Marikina, pumunta lang sa KAAGPAS na itinuturing na kauna-unahang commercial na bakuna center para sa manok dito sa Pinas. Matatagpuan ito sa 713 J.P. Rizal Street, Malanday.

Ang KAAGPAS ay itinayo ni Arnel Anonuevo kasama ang kanyang asawa at mga ka-partner na sina Dr. Butch Yabut, Dr. Jing Cajulis at Dr. Paul Tolentino noong 2004. Nagsimula lang ang KAAGPAS sa consultation, pero napansin niya na kulang ang immunization sa industriya ng sabong  at dahil na rin sa payo nang nasirang breeder na si Mamie Lacson. Sinabi kasi sa kanya nito na huwag na raw ang tungkol sa pagkukundisyon dahil marami nang gumagawa nito. Mas makabubuting pagtuunan nito ang pangangalaga sa kalusugan ng mga manok para maraming paggpilian na mga panlaban ang mga magsasabong. Buhat nga noon ay nagsimula nang magtuluy-tuloy ang bakuna center nina Arnel.

Sa ngayon ay marami na ring katulad nang kanilang negosyo. Pero wala namang problema ito kay Arnel. Ang importante ay sila ang nauna sa ganitong larangan. Saka napakalawak naman ng Pilipinas para maabot nila lahat ang mga gustong magpakuna.Bukod sa pagbabakuna, nagsisilbi ring poultry supply ang KAAGPAS. Mula patuka, mga gamot, sabong accessories, magazines atbp. ay mayroon sila.

Paglabas ng sisiw sa itlog ay puwedeng na itong dalhin sa KAAGPAS. Expose na kasi ito sa virus kaya’t kailangan ng proteksyon habang maaga pa lang. Lalo na’t ilang araw o isang linggo pa bago tumalaba ang bakuna. Pagkatapos nito, dapat ibalik ang sisiw sa susunod na linggo o sa ikalawang linggo para mabigyan naman ng booster shot.



Kung gastos lang ang pag-uusapan ay malaki ang matitipid kapag pumunta sa bakuna center. Sa KAAGPAS ay limang piso lang ang pagbabakuna kada sisiw. Hindi katulad kung bibili ka pa ng sariling pang-bakuna. Kapag nagbukas ka raw kasi ng bakuna dapat ay maraming sisiw na ang iyong babakunahan. Mabilis lang kasing ma-expired ang bakuna. Paano kung kaunti lang naman ang iyong mga sisiw? Kapag nagpabakuna sa center ay mas maraming mabubuhay.

Maraming klase ng bakuna mayroon ang KAAGPAS. Hindi lahat ay uubrang ilagay sa refregirator kaya’t mayroon din silang tinatawag na nitrogen tank kung saan ang temperature ay 0 degree. Lagi rin silang nag-a-update ng bakuna dahil dumarami na ang virus ngayon sa manok.

Kapag kaunti lang ang nagpapabakuna ay manu-mano ang ginagawa ng KAAGPAS. Pero kapag maramihan na ay gumagamit sila ng automatic vaccinator o makina sa pagbabakuna. Kaya nitong magbakuna ng limang libong sisiw sa loob lang ng isang oras. Hindi lang sisiw ang maaaring pabakunahan sa KAAGPAS, puwede rin ang inahin at stags dahil maging ang mga ito ay nangangailangan din ng proteksyon laban sa sakit.

Para sa mga katanungan maaaring kontakin ang mga numerong 933-7921 at 941-7756 o ‘di-kaya’y mag-email sa arnel@kaagpas.com


Loading...

Recent Posts