Marami sa mga sabungero
ay nahilig sa pagmamanok noon sila ay nasa elementarya o ‘di-kaya’y haiskul pa
lamang. Pero ibahin natin ang batang si Jayden Gabrielle Toleco na nagama’t 1
year and 7 months old pa lang ay nakikitaan nang interes sa pagmamanok. Kung
iisipin, laru-laro lang ang kanyang ginagawa, pero hindi malayo na balang-araw
ay maging masugid na magmamanok si Biboy.
Ang tatay ni Biboy na
si John Dominic Toleco at ang namayapa niya nang lolo na si Arman Toleco ay
parehong nagmamanok. Naging handler pa dati ang kanyang lolo para kina Nene
Abella, Patrick Antonio, Fred Reyes at iba pa. Marami nga raw naipanalong derby
ang lolo ni Biboy. Sa ngayon ang tatay at tiyuhin ni Biboy na si Kim sun ay
magkasamang nagbi-breed ng manok. Ang kanilang farm ay tinatawag na AVT Gamefarm.
Si Biboy ay bunso sa
dalawang magkapatid at siya lang sa kanila ang mahilig sa manok. Mayroon na rin siyang sariling mga manok na bigay mismo ng kanyang tatay.
Ang lolo ni Biboy na si Arman Toleco |
Ayon kay Kim, napansin
nilang nagkaroon ng interes sa manok si Biboy noong ito ay isang taong gulang
pa lamang. Kapareho rin ng ibang bata ang kanyang pamangkin na mahilig maglaro
at magsulat. Ang pinagkaiba lang nito ay mahilig humawak ng manok at nanonood
din ng sabong sa Youtube. Kapag nasa farm si Biboy, ‘di puwede ‘di siya humawak
ng manok. Marunong na nga itong magbitaw at kumuha ng manok sa talian.
Siyempre, inaalalayan siya ng matatanda para masigurong ‘di siya masaktan. Inaawat
nila ang bata na hawakan ang manok kapag alam nilang ito ay salbahe.
Siyempre, tuwang-tuwa
ang tatay ni Biboy dahil mayroong magmamana ng kanilang hilig. Ipinagkikibit-balikat na lang nila kung mayroon mang magsasabi nang ‘di maganda
sa kanila dahil ang bata-bata pa ni Biboy para ma-expose sa sabong. Eh, sa ‘yun
ang nakahiligan ng bata at wala namang masama sa paghawak-hawak ng manok. Sabi ni
Kim, “Lagi naman namin siyang kasama kapag nagpupunta sa farm. Siyempre, wala
pang masyadong alam ‘yung bata. Gusto n’ya lang talagang humawak ng mga manok
at sisiw”.
Minsan nga raw kapag
umiiyak si Biboy, dadalhin lang siya sa farm ay titigil na ito sa pag-iyak. Ganito
na ka-attach ang bata sa mga manok. Kung nagpatuloy pa ang hilig ni Biboy sa
manok hanggang sa kanyang paglaki, lagi raw ipapaalala nina Kim na unahin ang
pag-aaral nito. Kumbaga, gawin lang na libangan ang pagmamanok katulad nila ng
kanyang tatay.
‘Yan si Biboy, totoy na
totoy pa lang manok na ang kanyang toy!
Panoorin ang pagbibitaw ng manok ni Biboy:
Panoorin ang pagbibitaw ng manok ni Biboy: