Photo from Janine Gonzalez' FB account |
Bakit ba naman hindi
sisikat si Janine, bukod sa malakas na ang karisma ay makikita siya ang mismong
nagbibitaw ng manok sa ibabaw ng ruweda. Nag-viral na rin ang isa niyang laban
sa social media. Habang isinusulat ang artikulong ito ay nasa mahigit 93
thosand na ang kanyang followers sa Facebook. Minsan na rin siyang naitampok sa
Sabong TV show at naging endorser din ng Lakpue Drug, Inc. (LDI). Dahil dito,
madalas siyang maging speaker sa mga pa-seminar nang nasabing kumpanya.
Para kay Janine, ang
pagsasabong ay hindi isang sugal kundi isang passion. Sabi niya sa kanyang FB
post, “Minsan ang pag sasabong or pagmamanok hindi dahil sugarol ka, kundi ‘yun
yung tinatawag na passion. Yun yung gusto mong gawin, dahil manok lover ka,
hindi kayang tumbasan yung saya mo sa mga ginagawa mo sa pagmamanok at saya din
na naishare mo sa iba”. Nakakapagod daw
ito pero hindi ka magsasawa dahil palagi kang excited na gawin. Mahimas niya
ang kanyang mga manok, pakiramdam nya ay may kakampi siya palagi.
Ayon pa kay Janine, iba
rin ‘yung nakikita mo kung paano ka ipaglaban ng manok mo. Pero noong una, ayaw
niyang manood ng sabong lalo na’t paborito niyang manok ang lumalaba.
Kinalaunan ay nai-inlove na siya sa manok kasi handa ka nitong ipaglaban
hanggang kamatayan kahit walang kapalit. Hinding-hindi sila susuko para sa iyo.
Aniya, “Kahit matalo man sila, proud pa
rin ako dhil natalo silang hndi mabilis nag-give up para sakin.
Si Janine ang tipo ng
sabungera na walang pakialam sa pusta o sa kung magkano man ang kanyang
matatanggap. Ang mahalaga kasi para sa kanya ay ang manalo ang kanyang manok at
masaya siya sa kanyang ginagawa. Kung may mga nag-iisip man o nagsasabi man sa
kanya ng ‘di maganda dahil kababae niyang tao ay nagsasabong siya ay wala
siyang pakiaalam sa kanilang opinyon. Basta’t ang iportante ay wala siyang
nakikitang masama sa kanyang pagmamanok. Katunayan ay suportado siya ng kanyang
pamilya. Proud sila sa kanyang ginagawa. Kaya’t inspirado siya na lalo pa
niyang pagbutihin ang ang kanyang pagmamanok.
Ipinapayo ni Janine sa
iba na magpapakatotoo lang sila sa kanilang sarili. “And don't chase your
dreams, let your dreams chase you!!!,” giit niya.
Ang nag-viral na video ni Janine:
Ang nag-viral na video ni Janine: