Kuha sa World Slasher Cup |
Katulad nang dati
ay naging maaksyon at kapana-panabik mula ang World Slasher Cup na itinuturing
na isa sa pinakamalaki at prestihiyosong pasabong sa bansa. Ito ay isinagawa sa
Smart Araneta Coliseum mula Mayo 25 hanggang 31.
Nasa mahigit
dalawang daang entry ang naglaban-laban sa ikalawang edisyon ng WSC ngayong
taon at tatlo ang nakakuha ng kampeonato. Ang mga nagkampeon ay sina Frank
Berin ng Mulawin entry , Anthony Lim ng Lucban enty at ang Escolin at Eslabon
Brothers ng Escolin Eslabon entry. Lahat sila ay nakakuha ng 8 points.
Sadyang dikdikan
ang naging laban dahil nagkatapat pa ang Mulawin at Escolin Eslabon Brother sa
kanilang unang laban sa finals ang dalawa. Natalo rito ang Mulawin, pero sa
huli ay magkasama pa rin silang naging kampeon.