Matapos nang matagumpay
na First Philiippine's Peruvian Derby challenge noong buwan ng Perbrero na ginanap sa Talisay, Cebu,
heto na naman ang isa pang magandang palaban- ang Battle of the Heavyweights 4-Cock derby ni Emmanuel “Manny”
Berbano, presidente ng PitGames Media Inc. Ito ay gaganapin sa Imus Sports
Arena sa May 20.
Maglalaban-laban sa
challenge ang mga manok na Peruvian, Western Fowl at Asil Graded. Ang mga manok
na kalahok dito ay may minimum weight na 2.5 kgs. at ang maximum ay hanggang
4.5 kgs. Nakataya rito ang papremyo na aabot ng mahigit three hundred thousand
pesos. Ang pot money ay 11 thousand pesos samantalang ang bet money naman ay
nagkakahalaga 5,500 pesos.
|
Si Raymond at ang kanyang Gallo Negro |
|
Kasama ang kaibigan na si Joylan |
|
Kasama ang kaibigan na si Melecio Demate |
Isa sa mga lalahok dito
ay ang dating naging manager sa isang farm sa Bali, Indonesia na si Ramond
Ocampo ng Emongski Gamefarm na nakabase sa Cainta, Rizal. Ka-partner niya sa
laban ang mga kaibigan na sina Joylan Nadal ng Cavite at Melecio Demate Rubi ng
Tacloban. Ang kanilang entry name ay JJN UMCGBA/EMONGSKI RUBI. Gagamitin ng
grupo ang ass-kicker ni Raymond na Gallo Negro. Ang nasabing linyada ay subok
na at nailaban na niya ito sa Indonesia kung saan ay naging maganda ang kanyang
record.
Dahil sa pagsasagawa ng
ganitong klase ng pa-derby, naniniwala si Raymond na masusundan pa ito at
dadami pa sa darating pang panahon. Ayon sa kanya, “Maganda ang ganitong pa-derby
dahil mayroong outlet ang mga nag-aalaga ng Peruvian saka baka dahil dito ay
mag-alaga na rin sila ng ganitong klase ng manok”.