Wednesday, April 5, 2017

30 Kalalakihan, Arestado Dahil sa Iligal na Sabong


Arestado ang tatlumpung kalalakihan matapos silang hulihin ng mga pulis dahil sa tupada o iligal na sabong.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, nangyari ang insidente sa Brgy. Tambo, Lipa City sa may Batangas. Partner-partner ang ginawang pagtali ng mga ulis nang dalhin ang mga nahuli sa presinto.
Bago ang isinagawang panghuhuli, makailang beses na diumanong minatyagan ng mga pulis ang tupadahan hanggang magsagawa na sila ng raid. Hindi diumano nagkulang sa pagbibigay ng paalala ang kapulisan na bawal ang anumang uri nang pagsusugal.

Nakumpiska mula sa mga nahuli ang mga manok-panabong. Tumanggi namang magbigay ng reaksyon ang mga kaanak ng mga nahuli. Sa ngayon ay nakaditine ang tatlumpung kalalakihan sa Lucena Police Station habang inihahanda pa ang kaso laban sa kanila.

Samantala, ang balitang ito ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa ilang mga sabungero. Anila’y kawawa naman ang mga naaresto. Kaya’t ipinapayo ng iba na mag-ingat kapag sumasali sa tupada dahil alam nilang bawal ito. Mayroon din namang mga nagsabi na sa sabungan na lang sila magsabong, safe pa.


Ipinagbabawal ng batas ang tupada dahil wala itong permit. Bagama’t ito ay ipinagbabawal, isinasagawa pa rin ito sa iba’t ibang barangay sa bansa. Kapag araw ng fiesta o ‘di-kaya’y tuwing Biernes Santo ay karaniwang nagkakaroon ng tupada. Pero sa ilang lugar ay madalas itong isagawa.

Source: TV Patrol

Panoorin ang video:

Loading...

Recent Posts