Thursday, March 30, 2017

Meron o Wala: Pagpupungos (Dubbing)


Sa message  sa aking Facebook, tanong  ni Mr. Primo Arroyo ng Mayon, Quezon City … “Kailan nga ba ang tamang panahon o edad nang pagpupungos ng ating mga manok-panabong at ano ang dapat na mga suplemento bago ito pungusan at ano ang mga dapat gawin pagkatapos ng pagpupungos?

Kasagutan: Sir Primo Arroyo, ang panahon o edad nang pagpupungos ng mga panabong,sa akin opinyon po ay siyam na buwan o stag pa lang sila. Ito po ay tiyak na buo na ang kanilang pagkalalaki at namamarako na. Ako po, kapag nagpupungos ginagawa ko ito sa hapon, alas kwatro para po hindi umagas ang dugo. Kasi kapag sa umaga o tanghali ay hyper kadalasan ang ating mga stag. May pagkakataon din na madugo kahit sa hapon tayo nag-dubbing o nagpungos. Ang paraan ko para tumigil ang pagdurugo ay pinapahiran ko ng petrolium jelly.

Pagkatapos  namang magpungos ay binibigyan ng 0.3cc ng Vitamin B-Complex  na turok sa pitsu with Iron para mabawi ang dugo at manumbalik ang lakas ng stag.

Kapag battle cross naman ang ating stag, puwede nating ibitaw matapos pungusan ng isang break hanggang dalawa para masubukan ang kaniyang tapang sa laban. Ang pagkapungos niya ang nagsisilbing sugat sa laban kapag siya ay ‘di nangayaw, senyales na siya ay ganap nang matapang.

May isa pang katanungan si Sir Primo tungkol naman sa " Pagpuputol ng tahid " ay siya kong sasagutin sa susunod.


Salamat sa mga tagasubaybay… sa Meron o' WALA!

Para sa inyong mga mensahe sa awtor ng pitak na ito na si Makuri Makuru, maaari siyang kontakin sa numerong 0915-577-9379/0949-121-2050. 
Loading...

Recent Posts