Photo Credit: hobbyfarms.com |
Tibak o ' bumble foot !
Ano nga ang sanhi at lunas ng sakit na ito?
Pwede pa bang gamitin sa breeding ang manok na tinamaan nito? Ito ang
laging nagiging sakit sa ulo ng ating mga ka-MERON o' WALA lalo na kung ang
manok pinapalahi natin ay winning line.
Unahin ko po ang
opinyon ko at dahilan kung bakit nagkakaroon ang ating alaga ng ganitong
karamdaman:
1. Maduming sahig ng kulungan (cage)
2. Overweight na manok
3. Nakalagay sa semento ang ating alaga
4. Masyadong mataas ang flypen o hapunan
5. Nagkasugat at naimpeksyon ang ating mga manok
May natanggap tayong tanong
na galing sa text message mula sa ating ka-Meron o' Wala at tagaysubaybay na si
Mr. Niki Espanyol ng NuEva Viscaya, " Pwede pa po bang gawin na pang-breeding
ang manok na nagkatibak? Ang sagot ko po ay
ganito: Oo basta ito ay nalunasan na at magaling na. Walang naman kasi itong
kinalaman sa semilya ng manok. Pero kung sakaling gamitin ito kasalukuyan na
nagkatibak at maga pa ang paa, hindi ito mabuti dahil mahihirapang sumakay o
sumampa ang broodcock sa inahin. Ito ay dahil nga sa masakit ang kanyang paa.
Hanggang sa muli, SA
MERON SA WALA!
Para sa inyong mga mensahe sa awtor ng pitak na ito na
si Makuri Makuru, maaari siyang kontakin sa numerong 0915-577-9379 at
0949-121-2050.