Monday, March 27, 2017

Meron o Wala: Gamefowl Vaccination





        Kamusta ang laban natin mga ka-Meron o Wala? Sa araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang madalas na tanong- Paano? Saan at kailan? nga ba magbabakuna ng ating mga alagang-panabong.
Ang Bakuna o Vaccination ay isang proseso na kung saan ay nagbibigay tayo ng depensa sa ating mga alagang manok sa unang araw ng edad hanggang sa sila ay umabot sa tamang gulang. Anu-ano nga ba ang bakuna na dapat gamitin sa unang araw ng ating mga alaga?

Sa unang araw o day 1 ay nagbibigay tayo ng B1B1 Vaccine. Ito ay pinapatak sa ilong at sa mata at ito ay bakuna laban o depensa sa unang araw hanggang isang buwan ng ating mga alaga.

          Marahil isasama ko na rin sa ating kwentuhan ang madalas na problema kung paano nga ba maiiwasan ang bulutong? FOWL POX VACCINE po ang bakuna para maiwasan ang pagkakaroon ng bulutong sa ating mga alaga at ito po ay ibinibigay sa edad na tatlong linggo at isang buwang edad ng ating mga alaga.

Hanggang dito na lang po at marahil ang iba sa inyo at may katanungan pa sa iba pang bakuna sa sipon at tinatawag na booster shot vaccine ito at pagkukuwentuhan naman natin ito sa susunod na araw.


Hanggang sa muli po. Sa MERON O WALA!

 Para sa inyong mga mensahe sa awtor ng pitak na ito na si Makuri Makuru (Supermedz) maaari siyang kontakin sa mga numerong 0915-577-9379 at 0949-121-2050.

IP Man Cobra Butcher ni Makuri

Panoorin ang video:
Loading...

Recent Posts