Monday, March 27, 2017

Meron o Wala: Feather Picking

Mga alagang sisiw ni Makuri Makuru
Isang nagpapanalong araw mga ka-MERON o WALA!

Ako ay nagkaroon ng interes na ibahagi sa inyo ang aking natutunan sa aking araw-araw na gawain bilang isang backyard breeder. Marahil sa ating mga backyard breeder, nakararanas tayo ng "FEATHER PICKING " na problema sa ating mga pa-sisiw pagsapit ng edad na isang buwan hanggang dalawang buwan habang sila ay nasa brooder. Anu-ano nga ba ang lunas sa feather picking o pamamaraan para ito ay maiwasan? Narito po ang ilan sa aking pansariling pamamaraan at marahil ang iba po sa inyo ay nagawa na ito at sana ay makatulong sa iba:

-Tiyaking Ad libitum ang patuka ng ating mga sisiw upang sa ganun hindi sila magutom at maiwasan ang kainan ng balahibo. Tiyakin din sila kinakapos o lagi silang may patuka.

-Kailangan din na maluwag ang espasyo ng ating mga brooder cages at hindi sila congested.

-Maintenance ng B-Complex with iron

-Laging may electrolyte ang tubig

Sa mga susunod na araw ay dadagdagan ko pa ang iba pang teknik galing naman sa ating mga idol na sabungero.

Hanggang sa muli. Sa Meron o Wala!


Para sa inyong mga mensahe sa awtor ng pitak na ito na si Makuri Makuru,maaari siyang kontakin sa numerong 0915-577-9379 at 0949-121-2050.
Loading...

Recent Posts