Sunday, October 30, 2016

Magkadikit na Mga Daliri sa Paa ng Manok


          Ang agimat o anting-anting ay ‘di pinaniniwalaan ng ibang tao. Para sa iba, ito lang ay produkto ng malikot ng mga may malikot na imahinasyon. Para raw itong alamat, na maganda lang sa kuwento para sa mga bata.  Ang agimat daw kasi ay pinaniniwalaan lang ng mga taong nabubuhay noong unang panahon. Noong panahon ng mga hari at reyna, ng mga prinsipe at prinsesa,  tulad ni Aladdin at ang kanyang mahiwagang lampara na kapag ikinuskos ay may lumalabas na genie, at makakahiling ka ng kahit ano sa genie na iyon.

Pero sa ngayon ay may naniniwala pa rin sa agimat sa sabong. Lalo na ‘yung mga taong nakasaksi sa bisa ng agimat na tulad ni Gerry Domingo ng Licab, Nueva Ecija. Bata pa lang siya ay mahilig na siya sa sabong. Sabi nga niya, “May mga pagkakataon na hindi ako pumapasok sa eskwela noon para makapunta sa sabungan. Sumasabay ako sa ilang kakilalang sabungero para makapasok sa sabungan at makapusta kahit maliit na halaga”.   

Dahil sa hilig ni Mang Gerry sa sabong hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Pagsasaka ang naging hanapbuhay niya nang magkaroon siya ng sariling pamilya.  Gayunman, kapag may kaunting naipon at nagkaroon ng pagkakataon ay nagsasabong siya.  Lamang, mas madalas kaysa hindi na umuuwi siyang talunan. “Kaya naisipan kong mag-alaga ng sariling tandang. Ngunit kahit anong pag-aalaga ang gawin ko sa mga naging manok ko ay natatalo pa rin, ” kuwento ni Mang Gerry.

Hanggang minsang nakipag-inuman si Mang Gerry ay may nakakuwentuhan siyang isa ring sabungero na naniniwala sa mga pamahiinMadalas daw itong manalo sa sabubungan dahil ang pinupustahan niyang tandang ay magkadikit ang mga daliri sa paa. “Kaya naghanap ako ng manok na may ganoong senyales. Ngunit sa ilang beses kong pagpunta sa sabunganay wala akong nakitang tandang na mayroon ng hinahanap kong palatandaan,”ani Mang Gerry.                 

Noong una, inakala talaga ni Mang Gerry na ‘di totoo na may agimat sa sabong. Hanggang minsang papunta siya sa bukid para maglagay ng abono sa kanyang mga pananim ay nakakita siya ng manok sa daan na magkadikit ang mga daliri sa paa.  Nagkataon na kakilala niya ang may-ari ng tandang kaya agad niya itong nabili sa murang halaga.

Ngunit dahil may kaliitan ang manok ay nahirapan si Mang Gerry na ihanap ito ng makakapareha sa laban. Gayunman, minsang may nangayaw sa mga tandang na nakatakdang lumaban ay ang manok ni Mang Gerry ang napasalang sa ruweda bilang isang “Joker” o dehado.  Sa kabila ng hindi parehas na laban ay nanalo ang manok ni Mang Gerry.  Panalong nagkasunud-sunod na kaya naniwala siya na totoong may bisa ang kakaibang senyales ng kanyang tandang.  “Sangayon ay ‘di na niya inilalaban ang manok na may agimat dahil  ginamit niya na lang ito bilang isang broodcock. Umaasa siya na makakapag-prodyus siya ng mga manok na may hatid na suwerte sa sabong...ang manok na magkadikit ang mga daliri sa paa!

Loading...

Recent Posts