Nang ipaskil ng Sabong Ngayon ang video ni Satanok o manok na may sungay ay nagulantang ang sabong community. Lumikha ito ng ingay at pagtalu-talo. Marami kasi ang ‘di naniniwala na totoo ang sungay ng manok. Sabi ng iba ay gawa-gawa lang ito. Tahid daw ito ng manok na ikinabit lang sa ulo.Mayroon din namang naniniwala na totoo ito. Maaari kasi isa itong uri ng abnormality. Habang isinusulat ang artikulong ito ay nakakuha na si Satanok ng 1.9 million views.
Pero ‘di lamang sa Pilipinas mayroong manok na sungay kundi mayroon din nito sa Mexico kung saan gaya sa atin ay marami ring tagatangkilik ng sabong. Maraming mga Mexican ang nag-react matapos na ipost ng kababayan nilang si Juan Figueroa ang mga larawan at video ng kanyang alagang manok na mayroong sungay. Tinawag niya itong ‘gallo diablo’ o manok na demonyo.
Gaya nang nangyari kay Satanok, umani rin ito ng mga pang-aasar mula sa mga netizens na nag-komento. Anila’y ampangit diumano ng hitsura ng manok na ito. Siyempre, marami rin ang ‘di makapaniwala na mayroong ganitong klase ng manok. Pero posible rin naman na may ganito talaga. Ang pinagkaiba lang nina Satanok sa manok na may sungay sa Mexico ay patay na siya. Samantalang itong isa ay buhay na buhay pa.