Kung ang ibang mga sabungero o
gamefowl breeder ay tumitingin sa laro ng manok gaya ng angat, may abang,
mataas mag-break at iba pa. Si Doc Ronnie "Bulik" Magbalon ng RGM
Gamefarm ay mas tinitingnan niya ang talino ng manok. 'Yun bang kaya nitong
mag-adjust sa lahat ng klase ng laro ng manok. Ganito ang klase ng
charasteristic ng manok na mayroon siya.
Sino ba naman ang 'di makakakilala
kay Doc Ronnie? Eh, nag-champion na siya sa BAKBAKAN noong 2010 kung saan ay
naging ka-partner niya ang kanyang kumpare na si Engr. Ralph Daigo. Nakakuha
sila rito ng score na 9 wins at 1 draw.
Napasok sa pagmamanok si Doc Ronnie
dahil naimpluwensyahan siya ng kanyang ama na mahilig sa manok. Bago magkaroon
ng sariling farm ay naging consultant muna siya sa malalaking farm gaya nina
Nene Araneta, Bong Pineda, Boy Gamilla, Chito Reyes, GenGen Arayata at iba pa.
Ayon kay Doc Ronnie, naging malaking
tulong sa kanya ang pagiging consultant sa malalaking breeder. Doon niya
natutunan ang sistema ng bloodlines. Ang bawat bloodline diumano ay may
kanya-kanyang physical characteristic at fighting style. Aniya, "Alam
naman natin 'tong mga bigtime breeder, maraming imported na manok. Ang
importante, ano ang linyada na 'to at ano ang palo ng manok na 'to?" Kapag
tayo raw ang nagbi-breed, dapat nating tingnan ang palo ng manok. "Hindi
tayo nagpapalahi dahil lang sa pangalan ng tao, dapat bigyan natin ng pansin
ang palo ng manok. Saka andun dapat ang fighting style na hinahanap
natin," punto pa niya.
Taong 2000 nang pasukin niya ang
pagbi-breed ng manok. Sa ngayon, nakatayo ang kanyang farm sa Trece Marteres,
Cavite. Binubuo ito ng tatlong ektarya. Nitong breeding season ay
nakapagprodyus siya ng isang libong stags.
Nakilala si Doc Ronnie dahil sa
kanyang Bulik. Nanggaling ito kay GenGen Arayata na naging BAKBAKAN champion
noong 2006 at naging back-to-back champion din sa World Slasher Cup noong
2007-2008. Dinebelop na lang niya ang Bulik na kanyang nakuha at ito nga ang nagbigay ng pagkilala sa kanya
sa larangan ng sabong. Aniya,
"Binigyan niya ako ng Bulik na broodstock. Then, kinabitan ko ng iba-ibang
lines. Mayroong lumabas na linyada na gustung-gusto ko ang palo. 'Yun ang
ininfuse ko sa Bulik na nagbigay sa akin ng magandang pangalan." Ang
tinutukoy niyang linyada ay ang Griffin Claret ni Ray Alexander. ito diumano
ang dahilan kung bakit gumaling ang kanyang Bulik.
Ang Bulik-Claret na locked sa
brother-sister mating ay hinaluan niya ng Gull, Kelso, Oakgroove, Leifer at
Sheryl Penny. Ang mga anak nito ang kanyang inilaban sa BAKBAKAN kung saan siya
nag-champion.
Nang tanungin si Doc Ronnie kung
bakit sa dami ng kulay ng manok ay Bulik ang nagustuhan niya? Sinabi niyang
bata pa lang siya ay mahilig na talaga siya sa Bulik. Nagkataon lang na
nabigyan siya ng Bulik mula sa isang sikat na breeder. "Ang Bulik,
matalino siyang sumabong saka maraming style ng laro. Kaya niyang lumaro o
mag-adjust sa lahat ng klase ng laro ng kalaban. Samantalang ang Claret, may
speed, cutting saka flight kaya't naging maganda ang kumbinasyon nito sa
Bulik," isplika niya.
Gaya nga nang nabanggit na, ang
hinahanap ni Doc Ronnie sa manok ay matalinong sumabong. Kung ang iba, may
partikular na tinutukoy na laro na manok, siya wala na. Kapag magaling daw kasi
ang manok mo at magaling ang paa, sa talim ng tari ay 'di na kailangan pa ng
maraming palo.
Marami nang nakuhang kampeonato si
Doc Ronnie gamit ang kanyang Bulik. Simula noong 2009 ay naging maganda na ang
kanyang record sa sabong. Noong magkampeon siya sa BAKBAKAN ay dalawa ang
kanyang naging entry. Ang isang entry ay nag-runner up. Nasundan ang pagiging
runner niya sa BAKBAKAN noong 2011. Pagkatapos ay nag-champion naman siya sa
Bullang-Bullang noong 2012. Samantalang noong 2014 ay naging runner up uli siya
sa BAKBAKAN. Masaya rin siya dahil marami ng mga sabungero at breeders ang
nagtitiwala sa kanyang linyada at nababalitaan niya na nagpapanalo sila o
'di-kaya'y maganda ang score.
Wala nang ibang hinihiling si Doc
Ronnie kundi sana ay maulit ang kanyang pagkakapanalo sa BAKBAKAN. At sana ay
suwertehin din siya na manalo sa World Slasher Cup. Alam naman daw natin na
marami nang magagaling magpalahi ngayon kaya't 'di siya nakasisiguro. Pero
ganun pa man, hangad niya pa ring mangibabaw sa naturang malalaking pasabong sa
bansa.
Sinabi ni Doc Ronnie na dahil sa
pagkakapanalo niya sa BAKBAKAN, naging tulay ito para makatulong siya sa mga
backyard breeder sa pamamagitan ng mga seminar na kanyang isinasagawa tungkol
sa tamang sistema nang pagpapalahi. Kasama na rin ang pagbabahagi niya ng
kanyang linyada kapag mayroong mga gamefowl expo. "Alam naman natin na
magastos ang pagpapalahi ng manok, pero kung may sistemang sinusundan, maaaring
maging successful ang pagpapalahi," banggit
pa niya.
Pagdating sa pagpili ng patuka sa
manok, bilang beterinaryo ay talagang metikuloso si Doc Ronnie. Kailangan mo
muna raw subukan ang isang produkto kung maganda ba ang epekto nito sa manok
mula sisiw hanggang sa stag o cock. Kung naging maganda ang epekto sa kalusugan
ng manok, nakita mo na maganda ang tayo at katawan nila dapat doon ka na. "Para
sa akin, maganda ang produkto ng Warhawk Gamefowl Feeds. Nakikita n'yo naman
ang performance ng mga manok ko kasama na rin ang pullets. So, magandang
mag-debelop ang Warhawk ng katawan, height at maging ng hitsura nila," patotoo
niya.
Sa mga gustong magmanok, "Gumamit
na rin kayo ng Warhawk para mas lalong makatutulong sa inyo". At sa
mga gusto namang mag-champion, "Ang pagcha-champion ay maraming
proseso. Para sa akin, kapag healthy at maganda ang laki ng manok mo tapos
magagaling ang bloodline mo, malapit ka sa pagiging champion!"
Maaaring kontakin
si Doc Ronnie sa numerong 0917- 350- 9628.