Si Emmanuel "Mamie" Lacson ay isa sa mga
pangunahing breeder sa Pilipinas at isa sa mga bigboy ng sabong noong araw.
Naimpluwensiyahan siyang magmanok ng kanyang mga tiyuhin na sin Don Ramon
Lacson at Don Basilio Lopez. Habang nasa kolehiyo ay nagsimula siyang
pag-aralan kung paano ang mag-breed ng manok. Hanggang sa makapagtayo siya ng
farm sa loob ng kanilang plantasyon ng asukal- ang Hacienda Zaragosa na
matatagpusan sa Maao, Negros Occiendental. Nang lumaon ay inilipat niya ang
kanyang manukan sa Mambukal, Murcia, sa lupain na pag-aari ng kanyang asawa.
Ang
Amerikanong breeder na si Harold Brown ang tumulong kay Mamie sa pagli-layout
ng kanyang farm na tinawag niyang Circle L Gamefarm. Nakilala niya ito noong
taong 1964 at mula noon ay ito na ang naging tagpagturo niya sa pagmamanok.
Dahil sa kuneksyon niya kay Harold ay nagkaroon siya ng access kina Curtis
Black, Johnnie Moore, Johnnie Jumper, Oscar Akins at iba pa. Ang nasabing mga
dayuhang breeder ang pinagkunan niya ng kanyang broodstock. Siyempre, nakakuha
rin siya ng mga manok mula kay Harold.
Si
Mamie rin ay kinikilala bilang ama ng mga asosasyon na naitayo sa Negros.
Kabilang na rito ang United Negros Breeders Association (UNEGBA) na nagsagawa
ng 1st derby circuit sa Bacolod. Ang asosasyon na ito ang nag-host sa Western
Visayas International Derby. Sumali rin siya rito, kapartner si Richard Bates
at naitanghal sila bilang runner up.
Noong
1980 ay itinatag ni Mamie ang Negros Gamefowl Breeder (NGBA) at pinamunuan niya
ito for 2 consecutive terms. Ang NGBA ay nag-organisa ng 1st stag derbies sa
labas ng Maynila. Taong 1992 naman ay naging founder siya ng Gamefowl Breeders
Association of Negros (GFBAN). Pinamunuan niya ito sa loob ng dalawang termino.
Isa
sa mga nakuhang championship ni Mamie ay noong manalo siya sa 1st National
Breeders 6-Stag Derby na isinagawa sa Teresa Square Garden. Naka-perfect score
siya rito gamit ang mga manok na
tinatawag niyang 'Black Stag na Blueface Mclean Hatches at Hatch Grey.
Pumanaw
si Mamie noong taong 2000 habang naglilingkod bilang lay minister sa isang
simbahan sa Bacolod. Bago siya pumanaw ay nagsilbi pa siya bilang head ng
GFBAN's advisory Group. Patunay na hanggang sa huling hininga ay taglay pa rin
niya ang dugo ng pagiging magmamanok. Matagal nang nawala si Mamie, pero ang
pangalan niya ay nakaukit na sa kasasayan ng sabong sa Pilipinas. Ang pamana ng
Circe L Gamefarm ay ipinagpapatuloy ng kanyang anak na si Joey Lacson.
SOURCE: circlelgamefarm.com