World Gamefowl Expo |
Kasabay nang paglago ng industriya ng sabong ay kapansin-pansin din na dumarami ang mga gamefowl expo/exhibit. Siyempre, nariyan na ang World Gamefowl Expo, International Gamefowl Festival at Fiestag. Ang mga naturang expo ang pinakamalaki sa Pilipinas.
International Gamefowl Festival |
FIESTAG |
Ang World Gamefowl Expo ay naitatag noong 2011. Ang International Gamefowl Festival naman ay nagsimula noong 2014. Samantalang ang FIESTAG ay nagsimula pa ito noong 2000. Poultry show pa lang ito noon. Ang FIGBA, dating exhibit lang hanggang sa maging co-organizer sila ng Phil. Egg Board. Noong 2016 ay mag-isa na lang ito na hawakan ng FIGBA.
Farm Link Expo |
Bukod sa malalaking expo ay kumalat na rin ang mga gamefowl expo sa probinsya. Di kasi kayang dumalo ng maraming taga-probinsya sa expo sa Maynila kaya't naisipan ng mga organizer na magtayo ng expo sa kani-kanilang expo. Nariyan ang Cebu Gamefowl Expo, Farm Link Expo sa San Fernando Pampanga. Kannawidan Gamefowl Expo sa Ilocos Norte at iba pa. Ilan sa mga expo na ito ay inorganisa ng ilang politiko na sabungero dahil na rin sa kagustuhan nila na mapalakas ang industriya ng sabong sa kanilang lugar.
Nagsagawa rin ng Heroes of the Pit ang Thunderbird kung saan nag-exhibit ng mga manok ang kanilang endorsers. Bukod sa kanila ay nagsagawa rin ang B-Meg ng sarili nilang expo.
Bakit nga ba dumarami ang gamefowl expo sa bansa? Alam kasi ng mga organizer na marami ang mahihilig sa manok-panabong. Pagkakataon ito para maipakita kung gaano kalakas ang puwersa ng mga magmamanok. Pagkakataon naman ito ng mga kumpanya na i-promote ang kani-kanilang produkto. Di ba't kapag may malalaking expo ay nagkakasama-sama pa sila? Sa mga breeder naman, ito ang pagkakataon para maibahagi ang kanilang iniingatang bloodlines at para na rin makasalamuha ang kanilang mga taga-hanga.
World Gamefowl Expo |
Sa huli, nasa mga parukyano na rin naman kung ano ang expo na kanilang dadaluhan o anong produkto at kaninong manok ang kanilang tatangkilikin. Hayaan nating dumami pa ang mga expo para ang lahat ay maging masaya!