Monday, January 23, 2017

Sabong, Sentro ng Jonbeel Festival sa India!

Ang taunang Jonbeel Festival sa India na dinadaluhan ng daan-daang mga katao.
Taun-taon kada buwan ng Enero ay idinadaos ang tinatawag na Jonbeel Festival sa Assam, Northeast India kung saan ang naging pangunahing aktibidad ng pagtitipon ay ang pagkakaroon ng sabong. Maliban sa sabong, itinatampok din nila ang kanilang mga tradisyunal na sayaw. Layunin ng kapistahan na ito na panatilihin ang pagkakaroon ng kapatiran at kapayapaan ng iba't ibang tribu sa nasabing lugar.

Ang tradisyon na ito ay dinaluhan ng daan-daang katao. Panahon din ito para sila ay magsagawa ng tinatawag na 'barter system' o pagpapalitan ng kalakal o serbisyo nang 'di gumagamit ng salapi. Ilan lang sa mga produkto na ipinapalit nila rito ay mga huling isda, furnitures at iba pa.

Base sa kasaysayan, pinasimulan ito noon pang 15th Century A ng Ahom kings para pag-usapan ang mga napapanahong situwasyon sa politika. Ang Jobeel Mela ang pinakapatok na kapistahan sa Assam. Nagtatagal ito ng tatlong araw sa kalagitnaan ng buwan ng Enero kada-taon.

Video Credit to CGTN Facebook fan page.
Loading...

Recent Posts