Nakatakdang isagawa ang kauna-unahang pasabong ng Peruvian sa bansa. Ito ay ang tinatawag na 1st Peruvian President's Cup na gaganapin sa Talisay Sports Complex, Cebu City sa ika-25 ng Pebrero. Inorganisa ito ng PPGBOI, sa pamumuno ni Jayson Garces.
Layunin nang nasabing pasabong na palaganapin pa ang pagpapalahi ng Peruvian sa Pilipinas. Ang Peruvian ay nagmula sa bansang Peru. Nakilala ito dahil sa laki nito at lakas pumalo. Sa ngayon, ikinu-croos breed pa lang ito ng mga gamefowl breeder sa kanilang American fowl. Wala pa naman kasing pa-derby para sa mga Peruvian. Kaya't maganda ang hakbangin na ito ng PPGBOI dahil baka dahil dito ay mauso na sa atin ang Peruvian derby. Bagama't may kamahalan ang presyo ng manok na ito.