Problemado ngayon ang mga residente ng Brgy. Patayak, Sta. Barbara, Pangasinan dahil dalawang linggo na diumano silang piniperwisyo ng mga langaw na galing sa dalawang farm na nakatayo sa kanilang lugar.
Base sa ulat ng GMA News, wala rin diumanong bise ang fly trap dahil madali lang mapuno. Iniimbestigan na rin ng barangay ang nasabing insidente. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga may-ari ng manukan na inirireklamo ng mga residente.
Hindi nabanggit sa ulat kung ano ang pangalan ng farm. Nagbigay ng kani-kaniyang reaksyon ang mga netizens sa nasabing insidente. Sinabi nilang hindi lang naman sa Pangasinan nangyayari ito. Meron ding ilang mga manukan sa bansa natin na walang pakialam sa kalinisan. Ang importante lang kasi sa kanila ay makapagmanok o 'di kaya ay makapagbenta. Ni hindi man lang iniisip ang kanilang mga kalugar. Dapat diumano kapag magtatayo ka ng manukan ay malayo sa mga kabahayan para 'di nagkakaroon ng ganitong uri ng problema.
WATCH THE VIDEO HERE: