Monday, July 15, 2019

Meron o Wala: Ano ang magandang manok? 'Yung nabili ng mahal, regalo, naarbor o napanalunan sa promo?

IPMAN BUTCHER RIPPER (Cobra blend sa Butcher) ni Makuri Makuru
             Good day mga ka Meron o WALA!

            Napapanahon ang pagpapalahi ngayon o season breeding kung tawagin, at lalong kasagsagan ng lakas ng sabong sa buong bansa mapa-tupada, hackfights, local derbies at associations derbies.
Ito rin ‘yung panahon ng exhibit ng mga idol breeders natin ng kanilang mga champion bloodline na subok na sa national derbies na talaga namang dinudumog ng ating mga kasabong. Kadalasan kapareho nating backyard breeder para makadaupang-palad ang kanilang mga idolo sa sabong at makabili na rin ng materyales para sa breeding  o panlaban.

            Pero nahagip lagi sa aking kaisipan… Ano nga ba ang magandang manok-panabong ? ‘Yung BINILI MO NG MAHAL, REGALO, ‘yung NAARBOR LANG o NAHINGI sa idol nating breeder, kaibigan, kamag anak o minsan napanalunan sa promo exibit o seminar? Alin nga ba suwerte o lamang sa panalo?

            Kadalasan, sabi ng iba ang magaling na manok ay ‘yung binili mo ng mahal o ikaw mismo ang pumili sa farm ng breeder na kung tawagin ay farm picked. Doon kasi ay pwede mong ibitaw sa gradas sa farm para makapili ng mahusay na laro at para makausap ang breeder kung paano at ano ang dapat gawin sa pagpapalahi.

            Ang opinyon naman ng iba ay iyong regalo ng tunay na kaibigan. Kasi kung tunay kang kaibigan ay ‘di ka naman bibigyan ng pangit o bulok o basura kung tawagin.

            Sa iba naman, may komento na pare-pareho lang ‘yang manok. Kaya ‘yung affordable na lang, arbor na lang o hingi kung pwede at kung saan makakatipid. Marami tayong mga kasabong na mahilig mang-arbor kahit alam nilang hindi naman libre ang patuka ng manok para manghingi na lang basta. Hindi ba puwedeng maghintay kung gusto talaga silang bigyan?

                         
              Ang komento ko naman, hanggang kailan ka nga ba bibigyan o riregaluhan o tila ba magastos kapag kada-uso na sikat na linyada ay bibilhin mo ng mahal? Ano ang dapat gawin para makakuha ng tamang linyada.

            Uulitin ko mga kasabong…  Ano nga ba ang magandang manok-panabong? ‘Yung BINILI MO NG MAHAL, REGALO, ‘yung NAARBOR LANG, nahingi sa idol natin breeder, kaibigan, kamag anak o minsan napanalunan sa promo exibit o seminar? Ano’ng opinyon n’yo rito mga kasabong?!


          Salamat at goodluck sa laban…

Para sa inyong mga katanungan, kontakin lang ang awtor sa numerong 0915-577-9379.
-Makuri Makuru, maker of Supermedz Gamefowl Organic Conditioning Supplements

Si Makuri katabi ang dios ng mga manok na si Garuda
Loading...

Recent Posts